Wednesday, August 5, 2009

Lagot ka!

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

Pablo: Hello, Master Pedro? Si Pablo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo.
Pedro: O, Mr. Pablo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
Pablo: Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot.
Pedro:Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?
Pablo: Opo, Master Pedro, 'yun na nga po.
Pedro:Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?
Pablo: E, kumain po kasi ng bulok na karne....
Pedro:Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain Sa kanya ng bulok na karne?
Pablo: W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na Kabayo.
Pedro: Patay na kabayo? Anong patay na kabayo?
Pablo: E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig.
Pedro:Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
Pablo: Yun pong pinampatay namin ng sunog.
Pedro: Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"
Pablo: Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy....
Pedro: Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"
Pablo: Para sa burol po.
Pedro:Ano? Kaninong burol?
Pablo: Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko.

0 comments:

Post a Comment