"Ako lang ang makakapagpadugo ng ilong ni Manny Pacquiao!"
Wednesday, August 5, 2009
Pinoy vs American vs Japanese
Japanese archeologist digging 100m down found copper wire says
"Very good!!!our great ancestors of 1000 years already had telephone!!!"
Americans dug 200m and found optical cable says
"my God!!! this means our great forefathers already had broadband 2000 yrs ago!!!"
Pinoy digs 500m and found nothing says
"anlupit ng mga ninuno natin WIRELESS!!!"
Pinoy vs White vs Black
a blackman, a whiteguy, and a pinoy were in the bar when a sexy lady comes up and says,
"whoever can use the words liver and cheese with style will be my date tonight".
White: steak that liver and melt that cheese on me
Black: i hate liver but i love cheese as i love you
Pinoy: hey, you two!!! Liver alone!!! Cheese mine!!! yeah!!!
Pinoy Weakest Link Part II
Host: What "N"(narra) is the Nat'l tree of the Phils?
Contestant: niyog?
Host: Mas matigas pa diyan
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!
============
Host: Saang "B" (bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: sa Back?
Host: O sige, pwede rin na ang simula ay letter "L" (luneta)
Contestant: Likod?
Host: hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng
Modern name niya (Rizal park)
Contestant: Rear Part? (susme!likod pa rin yun!!)
=============
Host: Saang "B" (beach) tayo Madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hinde,pag pumunta ka dun, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hinde, marami kang makikita duong mga babaeng Naka-bikini.
Contestant: BEERHOUSE!
Pinoy Weakest Link
Host: Anong "L" (Lifeguard)ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Contestant: Lifeboy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon angpangalan ng taong ito
Contestant : Safeguard?
Host:Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant: Safe Boy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Si MR. CLEAN!
==========
Host: Anong "S" (salbabida) ang ginagamit na Floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hinde! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito Lalake.
Contestant: Siyoke?
===========
H: What "S" (sampaguita)is the nat'l flower of the Phils?
C: Sunflower?
H: Hindi. Binebenta ito sa Kalye.
C: Stork?
H: Hindi. Bulaklak sabi eh.
C: Sitsarong bulaklak?
H: Hindi pa rin. It ends with a letter "A"
C: Sitsarong bulaklak na may sukA?
H: O, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa!
Ano ang pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ng isang sikat na
singer?!
C: si..Sharon CunetA!
Weakness
Sa loob ng mall....
GUY: love, yan ang dati kong girlfriend.
JOWA: ang pangit pangit naman!
GUY: wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko
An alcoholic son's letter to his Dad
Gin na 'ko mag-iinom whisky kelan man.
Tanduayan mo yan.
Your son,
Miguel.
ENGLISH TAGALOG DICTIONARY
1) Contemplate - kulang ang mga pinggan
2) Punctuation - pera para maka-enrol
3) Ice Buko - nagtatanong kung ayos na ang buhok
4) Tenacious - sapatos na pang tennis
5) Calculator - tawagan kita mamaya
6) Devastation - sakayan ng bus
7) Protestant - Tindahan ng prutas
8) Statue - Ikaw ba yan?
9) Tissue - Ikaw nga!
10) Predicate - Pakawalan mo ang pusa
11) Dedicate - Pinatay ang pusa
12) Aspect - Pantusok o pandurog ng yelo
13) Deduct - Ang pato
14) Defeat - Ang paa (ng pato?)
15) Detail - Ang buntot (ng pato?)
16) Deposit - Gripo (Call DIPLOMA if DEPOSIT is leaking)
17) City - Bago mag-utso; A number to follow 6
18) Cattle - Doonnakatila ang Hali at Leyna
19) Persuading - Unang Kasal
20) Depress - Ang nagkasal sa PERSUADING
22) Defense - Ginamit ng mga pangsulat sa kontrata sa PERSUADING
23) It Depends - Kainin mo ang bakod
24) Shampoo - Bago mag-labing-isha (11)
25) Delusion - Maluwang (kapag maluwang ang damit, eh DE-LUS-ION)
26) Delivery - Walang bayad. Kapag working lunch, eh DELIVERY na ang tanghalian
27) Profit - Patunayan mo
28) Balance Sheet - What comes out after eating a balance diet
29) Backlog - bacon saka egg
30) Beehive - magpakatino ka
31) CD-ROM - tingnan mo ang kwarto
32) Debug - ang ipis
33) Defrag - ang palaka
34) Defense - ang bakod
35) Defer - ang balahibo
36) Deflate - ang plato
37) Detest - ang eksamin
38) Devalue - 'yon ang susunod sa letrang V
39) Devote - ang boto
40) Dilemma - brownout!, a!
41) Effort - 'dun nagla-land ang efflane
42) Forums - apat na kwarto
43) July - nagsinungaling ka ba?
44) Liturgy - what comes after litur F
45) Thesis - ito ay
Lagot ka!
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....
Pablo: Hello, Master Pedro? Si Pablo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo.
Pedro: O, Mr. Pablo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
Pablo: Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot.
Pedro:Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?
Pablo: Opo, Master Pedro, 'yun na nga po.
Pedro:Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?
Pablo: E, kumain po kasi ng bulok na karne....
Pedro:Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain Sa kanya ng bulok na karne?
Pablo: W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na Kabayo.
Pedro: Patay na kabayo? Anong patay na kabayo?
Pablo: E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig.
Pedro:Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
Pablo: Yun pong pinampatay namin ng sunog.
Pedro: Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"
Pablo: Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy....
Pedro: Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"
Pablo: Para sa burol po.
Pedro:Ano? Kaninong burol?
Pablo: Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko.
COMPLETE VERSION
Dad: Anak bili mo ko soft drinks
Anak: Coke o Pepsi?
Dad: Coke!
Anak: Diet o Regular?
Dad: Regular!
Anak:Bote O Can?
Dad: Bote!
Anak: 8 oz. o Litro?
Dad: Punyeta! Tubig na lang!
Anak: Natural o Mineral?
Dad: Mineral!
Anak: Malamig o Hindi?
Dad: Hampasin kaya kita ng walis?
Anak: tambo o ting ting
Dad: Animal ka!
Anak: Baka o Baboy?
Dad: Layas!
Anak: Ngayono bukas?
Dad: Ngayon na!!!
Anak: Hatid mo ko Indi?
DAd: Patayin kaya kita?
Anak:saksakin o barilin?
Dad: Babarilin!!
Anak: Ulo o Tiyan?
Dad: Pesteeeee!!!!
Anak: Ipis o Daga??
Dad: waaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!
Preso sa silya elektrika
Preso:Warden, may last request po ako...
Warden: ano yun???
Preso: hawakan nyo naman kamay ko.. moral support ba!!!
Pare ko
Pare1: Pare, bat naman hanggang ngayon wala ka pang syota? Wala ka pa bang napupusuan?
Pare2: Meron.. Manhid ka lang! (hihihihi! )
Holdaper
Holdaper: Pili ka, wallet mo o pasabugin utak mo?
Biktima: Ikaw na bahala..basta pareho po yan walang laman!
Promdi
PROMDI: Lam ko promdi lang ako kaya wag mo kong lolokohin!
Bakit ganito ang kwarto ko?!?! Maliit, wala pang kama at
bintana..... ha?!?!
ROOMBOY: Sir, nasa elevator pa lang po tayo...
Ang tinderang Instik
TINDERANG INTSIK: Biri na kayu plutas! May pakwan, ransones tsaka melon pang iba! Biri na kayu!
INDAY: May pakwan po ba?
TINDERANG INTSIK: Ahh, melon.
INDAY: Pakwan po
TINDERANG INTSIK: Melon nga!
INDAY: Pakwan!
TINDERANG INTSIK: Melon!
INDAY: Pakwan! Pakwan! Pakwan! Pakwan!
TINDERANG INTSIK: Melon! Melon! Melon! Melon!
INDAY: Sige na nga, melon na lang…
TINDERANG INTSIK: Ay, ubos na!