Wednesday, August 5, 2009

Pinoy Weakest Link

Host: Anong "L" (Lifeguard)ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Contestant: Lifeboy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon angpangalan ng taong ito
Contestant : Safeguard?
Host:Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant: Safe Boy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Si MR. CLEAN!
==========
Host: Anong "S" (salbabida) ang ginagamit na Floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hinde! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito Lalake.
Contestant: Siyoke?
===========
H: What "S" (sampaguita)is the nat'l flower of the Phils?
C: Sunflower?
H: Hindi. Binebenta ito sa Kalye.
C: Stork?
H: Hindi. Bulaklak sabi eh.
C: Sitsarong bulaklak?
H: Hindi pa rin. It ends with a letter "A"
C: Sitsarong bulaklak na may sukA?
H: O, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa!
Ano ang pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ng isang sikat na
singer?!
C: si..Sharon CunetA!

0 comments:

Post a Comment